Tungkol sa Blog na Ito

Isang beses sa isa o dalawang buwan, nagtuturo ako sa lingguhang Bible Study class ng isang maliit na grupo sa isang parokya sa Silang, Cavite, na inumpisahan ng aking kaklase sa Teolohiya mga dalawang taon nang nakalipas.  Isang grupo kami (na mga kaibigan, kaklase at mga pari) na nagsasalitang magturo sa klaseng ito - at sa panahon ng aming paglakbay kasama nila, ang buhay namin ay naging mas makahulugan at ang aming mga puso ay naaantig sa bawat leksiyon na aming ibinabahagi.

Ang blog na ito ay nagbabahagi ng mga "antig ng puso" (o "strucks") na naranasan ko sa Biblical Apostolate na ito... at sa iba pang mga Bible study session, klase sa Teolohiya, faith-sharing na grupo o kaya sa mga sermon sa misa, mga talk o retreat na aking sinalihan. 

Sana'y makatulong ang blog na ito sa iyo, kahit sa maliit na paraan lamang; at sana'y maantig din ang iyong puso sa pagninilay sa Salita ng Diyos. 

God bless po +

Ang aming maliit at simple na bible study group sa Silang :-)

Mga masasayang estudyante ng Salita [ng Diyos]! :-)

No comments:

Post a Comment