Saturday, March 19, 2016

Huwag ka Nang Gumawa ng Kasalanan.

“Tumayo si Hesus at tinanong ang babae: ‘Nasaan sila? Wala na bang humahatol iyo?’ ‘Wala po, Ginoo,’ sagot ng babae.  Sinabi ni Hesus: ‘Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.’
- Juan 8:10-11



"Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan." -- pagnilayan muna natin ng ilang sandali ang mga salitang ito.

.
.
.
.
.
.


Naniniwala si Hesus sa atin! Naniniwala siya na kaya natin masupil ang mga kasalanan at talikuran ang mga tukso sa buhay natin! (siyempre, sa tulong ng Kanyang gabay).

Ilang beses ko nang narinig ang kwento sa Ebanghelyong ito -- ngunit ang lagi kong pinagninilayan noon ay: 1) ang aspeto ng "pangalawang pagkakataon" na buong-pusong ibinigay ni Hesus sa babaeng nahuli sa pangangalunya; o kaya 2) ang hamon ni Kristo sa mga eskriba at Pariseo na "huwag husgahan ang iba" ("Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya" - Juan 3:7). 

Ito na lang, noong inihahanda ko ang pagturo ng Ebanghelyong ito para sa isang Bible study klase noong nakaraang linggo (tingnan ang Tungkol sa Blog na Ito), ay natanto ko ang isa pang mahalagang bagay: si Hesus ay hindi lamang ating Panginoon, Tagapagligtas, Lakas, Kapatid, Kaibigan, Pag-asa, Konsolasyon, atbp... Siya rin ay ating #1 na Cheerleader!   At kakampihan at susuportahan niya tayo hanggang sa dulo ng pahanhon! Talaga namang nakakaantig ng puso ang realisaysong ito (kaya't naluha ako habang ibinabahagi ito sa klase ng Bible study).

Ang realisasyong ito ay dumating nang nagsusuri ako sa mga libro tungkol sa Ebanghelyong ito.  Ang isang libro na ginamit ko ay ang: The Daily Study Bible Series, The Gospel of John Vol. 2 (Revised Edition), W. Barclay

Nais kong ibahagi sa inyo ang aking nabasa: 

[ito ang direkta kong kinopya mula sa libro]

Jesus's attitude to the sinner involved a number of things.

a) It invovled the second chance.
b) It involved pity.
c) It involved challenge.
d) It involved warning.
e) It involved belief in human nature. 
When we come to think of it, it is a staggering thing that Jesus should say to a woman of loose morals: "Go, and sin no more." The amazing heart-uplifting thing about Him was his belief in men and women. When he was confronted with someone who had gone wrong, he did not say: You are a wretched and a hopeless creature. He said: Go and sin no more. He believed that with His help the sinner has it in him to become the saint. His method was not to blast men with the knowledge -- which they already possessed -- that they were miserable sinners, but to inspire them with the unglimpsed discovery that they were potential saints.

[ito ang pagsalin ko ng huling talata sa Tagalog]

Kapag inisip natin, parang hindi kapani-paniwala na masabi ni Hesus sa isang babaeng hindi gaano kaganda ang moral ng: "Umuwi ka na at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan." Ang isang bagay tungkol kay Hesus na nakakataba ng puso ay ang kanyang paniniwala sa sangkatauhan.  Nang iharap sa kanya ang isang taong nagkasala, hindi niya sinabi, Ika'y isang walang silbi at walang pag-asa na nilalang!  Sa halip, ang sinabi niya ay, Huwag ka nang gumawa ng kasalanan.  Naniwala Siya na sa pamamagitan ng tulong Niya, ang isang makasalanang tao ay may kakayahang maging isang santo o banal. Hindi Niya gawi ang ipamukha sa tao ang katotohanan -- at malamang alam naman na nila ito -- na sila ay makasalanan; sa halip, binibigyan Niya sila ng inspirasyon na makita para sa sarili nila na may potensyal sila maging isang santo. 

* * * * *

Kaya't sa mga panahong darating ng pagpupunyagi o pagkabigo sa daan patungo sa kabanalan, iisipin ko si Hesus na nagsasabi sa akin, "Kaya mo yan. Kapit ka lang sa akin." 




Ang mga larawan ay mula sa pelikulang The Passion of the Christ.